Sunday, July 31, 2011

 

Welcome to the North American Continent

Welcome to the Salazar Family to the North American Continent. Memories na lang ang Middle East at ang madudugong summer heat! Hahaha.

Dito, balik na sa normal time ang daily lives ninyo. Hindi na kayo maghihintay ng madaling araw para pumunta sa Mall or mag-grocery shopping. Sa daytime na ninyo gagawin lahat ito. Puwede na din kayong mag cross ng boarder at mamasyal sa America.

Welcome again to your new life at sana mas marami kayong blessings na dumating sa mga buhay ninyo. Hindi na pupunta sa Tin sa Baguio sa SLU para magaral. Maraming magagaling ng Universities na puwede niyang pasukan, and so are the 2 boys.

Hopefully, Joel would get a good job & I'm sure he will, considering his excellent qualifications and experience at KSA. People would love your catering and your South Beach Diet (?). Basta, start building your network and the best place to do this would be the local church.

Friday, August 27, 2010

 

Balitang USA

Mga katoto ko, long time no hear! Hehehe.

Ann, MmyLei, etc. miss ko na kayong lahat.....Kamusta na kayo??? Buhay pa ako! Hehehe

Monday, August 17, 2009

 

Balik Hukay...Blog Na Naman...

Ang gulo-gulo dito sa aming barangay ngayon at ayun, pinag-furlough kami ng tatlong araw kada buwan hangang June, 2010. May balita pa nga na gusto daw dagdagan pa ang furlough namin ng isa or dalawa pang araw. So sa makatuwid eh limang araw na o isang lingo na kami bakasyon en grande - meaning, no work, no pay!

Buti na lang nalakpasan ko ang cut-off ng layoff kasi iyong may mga serbisyo na 18 months and below, tumbok sila ng layoff.

Sabi nga ng iba, buti na ma-furlough kasya naman ma-layoff. At least, may mga benefits pa kami compared na kung ma-layoff na "walis" lahat!

Mas malupit naman sa Postal Service kasi sa kanila (ang balita ko), 10 yrs. and below nag le-layoff. Postal deliveries are being cut from 6 days to 5 days. Some Post Offices are being shut and consolidated with the Main Post Offices - nationwide. Ang lupit din ano?

Hanggang kailan kaya ito?

Saturday, May 12, 2007

 

Happy Nanay's Day

Happy, Happy Mother's Day to all you hardworking and loving mothers wherever you are!

Talaga naman na ang mga mothers ay ma-recognize lang. They deserve all the recognition, and I'm sure everybody will agree, no doubt!

Bati sa lahat ng mothers na nagbla-blog, lalo na kay Ann Salazar na super Mommy (I don't know where she gets all her energy). Whewww!

Maligayang Mother's Day din sa mga nanay na kaibigan ni Ann na palaging bumibisita sa blog niya. Siguro marami na kayong natututuhang paraan sa pagpapalaki ng mga anak, at pagma-manage ng family sa mga anecdotes o kuwento ni Ann ano? Kaya nga supermom siya eh. Hehehe.

Mayroon kaya siyang "carbon copy"? Hahaha. Sana. . .

Ang pagbati ko'y hindi lang sa mga mothers na may mga maliliit na anak. Bumabati din ako doon sa mga single mom's, at doon sa mga wala pang maliliit na anak, pero may makulit na panganay (spouse) na minsan ay daig pa ang mga supling. Hehehe (hindi ako kasama dito ha?).

Special mention ko pala at bati sa aking mga kaibigan sa araw na ito. Sina Mmy Lei, TK, at Melai. Bati din sa kanila na special Happy Mother's Day. Hindi lang naman ito bati sa isang Ina kundi sa lahat ng kababaihan in general, di ba?

Basta, araw ninyo ito. May you all have a wonderful day. Enjoy it because you deserve it !!!

Saturday, February 10, 2007

 

Thanks. . .

Sa lahat ng bumisita - Thank you very much!

Sa lahat ng bumati - Thank you very much too!

Sa Lahat ng Blogkada - Miss you guys!

Happy Valentine's to all single and married chickababes! Wala daw discrimination - Hehehe!

This page is powered by Blogger. Isn't yours?